Biyernes, Mayo 16, 2008

Deklarasyon para sa Pamamahayag sa Sariling Wika

DEKLARASYON PARA SA PAMAMAHAYAG SA SARILING WIKA (1989)

TAIMTIM KAMING NANININDIGAN na ang pagpapahalaga ng mamamayang Pilipino sa sariling wika ay bahagi ng pagtataguyod at paggigiit sa kanilang pambansang dignidad at kasarinlan, at ang kanilang wika ay dapat papaglingkurin sa ganitong dignidad at kasarinlan.

MAHIGPIT ANG AMING PANINIWALA na ang mmga mamamahayag ay gumaganap ng napakahalagang papel sa pagpapaunlad at pagtataguyod sa paggamit ng sariling wika tungo sa antas ng pagkilala at paggalang na kailangan nitong makamit sa ating lipunang pinaghaharian ng wikang dayuhan at nakapailalim sa iba pang anyo ng dominasyong banyaga.

MARUBDOB ANG AMING PAGKILALA sa pananagutan ng pamahayagan, sa diwa ng demokrasya, na bigyang-daluyan ang mga mithiin, karaingan at mungkahi ng karaniwang mga mamamayan sa paraang pinakamalapit sa kanilang damdamin at kaisipan, at sila’y paalaman ukol sa lahat ng karapatan nilang malaman sa wikang pinakamadali nilang maunawaan.

SAMAKATWID, kaming mga mamamahayag sa sariling wika ay mahigpit na nagkakaisang itatag ang isang samahang magtataguyod sa ipinahayag naming mga paninindigan, paniniwala at pananagutan.

This declaration was signed by about 50 journalists in the vernacular (from Metro Manila and the provinces of Laguna, Quezon, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Zambales and Bataan) towards the formation of the Bukluran ng mga Mamamahayag sa Sariling Wika on February 17, 1990. It is enshrined as the preamble of the BUKLURAN’s constitution. The founding officers of the organization were Rolando Fadul, president; Ben Esquivel, Deo Macalma and Ed Aurelio Reyes, vice-presidents; Doming Mirasol, secretary-general; Edna Constancia, treasurer; and Ninoy Sofranes, auditor.

Sanggunian: Ang aklat na “Press Freedom: The People’s Right” ni Ed Aurelio C. Reyes, pp. 175.

Tinipa sa computer at ipinamamahagi ni: Gregorio V. Bituin Jr.

Walang komento: